Batas sa TRAIN at death penalty prayoridad ni Duterte sa 18th Congress

Nasa listahan ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang prayoridad na batas sa 18th Congress ang death penalty at tax reform for acceleration and reform 2 (TRAIN) package.

Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, nagpahayag na ng pagsuporta ang mga kaalyado ni Pangulong Duterte na sina Senators Bong Go at Ronald “Bato” Dela Rosa para itulak na maibalik ang parusang kamatayan.

Nasa prayoridad din ng Pangulo ang TRAIN 2 para mapondohan ang Build, Build, Build program.

Ayon kay Andanar, kailangan kasing tustusan ang mga programang imprastraktura ng Pangulo.

Hindi rin aniya nawawala sa listahan ng Pangulo ang charter change o ang pag amyenda sa Konstitusyon.

 

Read more...