Panukalang ‘summer’ MMFF tatalakayin ng Metro Manila Council sa July 25

Uumpisahan na ng executive committee ng Metro Manila Film Fest ang pagbalangkas ng mga alintuntunin para sa pagsasagawa ng Summer Film Festival.

Kasabay nito, nilinaw ng komite na sila pa rin ang mangangasiwa sa bagong film festival at hindi ang Film Development Council of the Phils. base sa mga naglabasang ulat.

Ayon pa rin sa komite, ang FDCP ay isa lang sa mga miyembro ng komite na pinamumunuan naman ng chairman ng MMDA.

Sa inilabas na pahayag, magsasagawa ang komite ng konsultasyon sa mga may-ari ng mga sinehan at film producers para sa pagbalangkas ng mga alintuntunin o polisiya.

Nabatid din na ang suhestiyon ni Sen. Bong Go ukol sa pagdaraos ng isa pang film festival kada taon o tuwing summer ay pag-uusapan sa pulong ng Council sa Hulyo 25.

 

Read more...