Duterte sa West PH Sea: I’m the owner, I’m just giving China fishing rights

Iginiit ni Pangulong Rodrigo Duterte ang karapatan ng bansa sa West Philippine Sea sa kabila ng desisyon nitong payagan ang China na mangisda sa exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

Sa panayam ni Pastor Apollo Quiboloy, sinabi ng Pangulo na siya ang may-ari ng West Philippine Sea at binigyan lamang niya ng fishing rights ang China.

“As far as I’m concerned, I’m the owner, and I’m just giving the fishing rights,” ani Duterte.

“Eh kung hindi ko rin payagan, sabihin ng Amerikano — Chinese, ‘Bakit? Is it needed pa ba kami magpermiso sa iyo?’ O eh ‘di pagsabi nilang ‘Huwag ganun,’ eh di mangisda ka,” dagdag ng Pangulo.

Nanindigan din ang Pangulo na hindi sa kanyang termino nawalan ng kontrol ang bansa sa naturang teritoryo kundi noong panahon ni dating Pangulong Noynoy Aquino.

Muli namang binatikos ni Duterte si dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario dahil sa termino umano nito nawala sa bansa ang Scarborough Shoal.

Inangkin ng China ang Scarborough Shoal, isang tradisyunal na fishing ground sa loob ng EEZ ng bansa, matapos ang 2 buwang standoff sa Philippine Navy noong 2012.

“We filed a case for arbitration actually, and we won. But the problem is the property is in their possession. It is with China who claims it also to be his property, their property,” pahayag ni Pangulong Duterte.

 

Read more...