20 tindahan sa terminal sa Sultan Kudarat nasunog

Nasunog ang hindi bababa sa dalawampung stalls sa isang public transport terminal sa Tacurong City, Sultan Kudarat Miyerkules ng umaga.

Ayon sa Bureau of Fire Protection (BFP), sumiklab ang apoy sa isang karinderya bandang alas diyes ng umaga.

Nag-ugat umano ang sunog sa pagsabog ng liquified petroleum gas (LPG) sa lugar.

Mabilis kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga tindhan.

Ayon sa BFP, tinatayang aabot sa mahigit isang milyong piso ang halaga ng pinsala sa mga ari-arian sa lugar.

 

Read more...