Sara at Baste Duterte hindi dadalo sa 4th SONA ni Pang. Duterte

Hindi dadalo ang magkapatid na sina Davao City Mayor Sara Duterte at Vice Mayor Baste Duterte sa ika-apat na State of the Nation Address (SONA) ng kanilang ama na si Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa text message sa INQUIRER.net Miyerkules ng gabi, sinabi ng presidential daughter na kasalukuyan siyang nasa “special medical leave” sa loob ng 60 araw.

Paliwanag ng Alkalde, “gynecological” condition ang dahilan ng hindi niya pagpunta sa SONA ng Pangulo sa July 22.

Wala naman ng iba pang detalye na ibinigay ang nakababatang Duterte ukol sa kanyang kundisyon.

Samantala, sinabi naman ni Vice Mayor Baste na hindi na rin siya pupunta sa SONA.

Ayon sa presidential son, mayroong regular session ang Sangguniang Panlungsod ng Davao kinabukasan matapos ang SONA.

Panonoorin na lamang umano ng Bise Alkalde sa telebisyon ang SONA ng ama.

Noong nakaraang taon ay dumalo ang mga anak ng Pangulo sa ikatlo nitong SONA kasama ang kanilang ina na si Elizabeth Zimmerman.

 

Read more...