P1-M na halaga ng shabu nakuha sa buy bust operation sa Iriga City

Inquirer file photo

Nakumpiska ang mahigit sa P1 Million ng hinihinalang shabu sa ikinasang buy-bust operation sa Iriga City, Camarines Sur, Miyerkules ng umaga.

Ayon sa Iriga City PNP, nakilala ang apat na suspek na sina Jayroll Labradores, Alvin Labradores, Dionel Labradores at Nathaniel Sierra.

Nagresulta ang operasyon sa pagkakaaresto sa mga suspek sa bahagi ng Iriga Sports Complex sa Barangay San Nicolas bandang alas diyes trenta y singko ng umaga.

Nakuha sa apat na 150 gramo ng hinihinalang shabu.

Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon sa kaso.

Read more...