PNP-HPG dumaan sa special training para sa SONA

Inquirer file photo

Ipakakalat ng Philippine National Police – Highway Patrol Group (PNP-HPG) ang kabuuang tatlumpu’t anim na police car at pitumpu’t dalawang motorsiklo sa convoy ng mga VIP na dadalo sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 22.

Ayon kay Brig. Gen. Roberto Fajardo, hepe ng PNP-HPG, nasa 171 na tauhan ng kanilang hanay ang makikiisa sa pananatili ng seguridad sa SONA at pagbubukas ng 18th Congress.

Sisigurahin aniyang makakarating nang ligtas ang mga VIP sa lugar.

Tiniyak din ni Fajardo sa publiko na handa na ang PNP-HPG sa SONA matapos dumaan sa pagsasanay at shooting simulation.

Wala rin aniyang namomonitor na banta ang kanilang hanay sa nalalapit na SONA.

Matatandaang sinabi ng PNP na aabot sa labing-limang libong pulis ang ipakakalat sa Metro Manila para sa SONA.

Read more...