Duterte: Hindi ako haharap sa alinmang intertational court

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na humarap sa alinmang International Tribunal para sagutin ang mga kinukwestyung domestic policies kabilang na ang kanyang pinaka-kontrobersyal na anti-drug war campaign.

Ayon sa pangulo, saka lamang siya haharap sa isang paglilitis sa Philippine Court kung saan Filipino ang tatayong judge at Filipino rin ang uusig.

Sinabi pa ng pangulo na maaring ibalik ang parusang kamatayan at tatanggapin niyang mamatay sa Filipino land.

Giit ni Duterte, hindi siya sasagot sa isang Caucasian o isang white man na magtatanong sa kanyang mga polisiya.

Ipinaliwanag pa ni Duterte na istupido siya kung gagawin niya ito sa harap ng mga dayuhan dahil malinaw na gumagana naman ang mga korte sa Pilipinas.

March 2018 nang kumalas ang Pilipinas sa Rome Statute na nagtatag sa International Criminal Court.

Ginawa ng pangulo ang pag-alis ng Pilipinas sa ICC dahil sa balak na pag-iimbestiga sa kanyang anti-drug war campaign.

“And maybe they can reimpose death penalty then die in Filipino hands. I — I will not… I will not answer a — I will not answer a Caucasian asking question, or white man there. You must be stupid. Who are you? I am a Filipino, we have our courts here. Why would you have to bring me somewhere else? I would not like that”, ayon pa sa pangulo.

Read more...