Lorenzana: Aerial at naval patrol sa paligid ng bansa dinagdagan na

INQUIRER PHOTO/LYN RILLON

Ibinida ni Defense Secretary Delfin Lorenzana ang pagdami ng isinagawang aerial at naval patrol sa teritoryo ng bansa sa nakalipas na taon.

Sa pre-State of the Nation Address (SONA) forum sa Davao City, sinabi ni Lorenzana na pinag-igting ng militar ang operasyon para protektahan ang pambansang teritoryo.

Nakapagtala aniya ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng 190 percent na mas mataas sa steaming time at 215 percent na mas mataas sa flying hours.

Noong 2018, nasa 90,799 hours ng steaming time sa sea patrols kumapara sa 31,295 hours noong 2017.

Sa aerial patrols naman, umabot sa 7,707 hours ang flying time ang naitala sa taong 2018 at malayo ito sa 2,440 na hours noong 2017.

Ayon pa sa kalihim, malaking tulong ang trilateral patrols ng Pilipinas kasama ang Malaysia at Indonesia sa pagkakabawas ng insidente ng pamimirata at kidnapping.

Wala pa aniyang naitatala nito mula January 1 hanggang April ngayong taon.

Read more...