Nakilala ang mga biktima na sina Jessa May at Jesybell Abitona at kaibigan nilang si Caryl Jiff Salianon na noon ay nakitulog lamang sa kanilang boarding house.
Ayon sa Davao City police, ang itinuturing suspek sa pamamaslang ay ang live-in partner ni Jessa May na nakilalang si Daryl Aguilar.
Sa pahayag ng landlady ng boarding house, nag-chat sa kaniya mismo si Daryl sa Facebook at nagpapatawag ng pulis dahil napatay niya umano ang mga biktima.
Agad pinuntahan ng asawa ng landlady ang kwarto ng mga biktima at doon nga nakita ang duguang katawan ng tatlo.
Kwento naman ng iba pang nag-boarders, ala 1:00 ng madaling araw nang makita nilang dumating ang suspek.
Nakarinig din umano sila ng ingay sa kwarto ng mga biktima at nadinig nilang sumusigaw si Jesybell.
Tinangka din ng suspek na patayin ang kaniyang sarili sa pamamagitan ng pagsaksak kaya kasalukuyan itong nasa ospital.
Nakuha sa crime scene ang kitchen knife at sling bag na may lamang baril.
Inaalam pa ng pulisya kung ano ang motibo ni Aguilar sa krimen.