Mutual defense treaty ng Pilipinas at Amerika iginigiit na ngayon ni Pangulong Duterte para resolbahin ang sigalot sa West PH Sea

Direkta nang nanawagan ngayon si Pangulong Rodrigo Duterte sa Amerika na kanya nang ini-invoke ang mutual defense treaty ng dalawang bansa.

Ito ay para resolbahin ang sigalot ng Pilipinas at China sa sigalot sa West Philippine Sea.

Sa panayam ni Pastor Apollo Quiboloy kay Pangulong Duterte sa Davao, Martes (July 16) ng gabi, sinabi nito na hinimok niya ang Amerika na ipunin na ang lahat ng kanilang seven fleet at dalhin sa harap ng China.

Ayon sa pangulo, sasama siya sa pagsakay kasama ang kapitan ng barko ng Amerika sa pagsugod sa China.

“I’m calling now America. I’m invoking the RP-US pact. I would like America to gather all their Seventh Fleet in front of China. I’m asking them now. And I will join them,” ayon sa pangulo

Pero dapat din aniyang sumama sa pagsugod sa China ang kanyang mga kritiko gaya nina dating Foreign Affairs Secretary Albert Del Rosario, dating Ombudsman Conchita Carpio-Morales at Senior Associate Justice Antonio Carpio.

Nakasaaad sa mutual defense treaty na tutulungan ng Amerika ang Pilipinas kapag mayroong armadong pag-atake mula sa external party.

Read more...