Sa pagbisita ni Manila Mayor Isko Moreno sa Vitas slaughter house sa Tondo labis itong nadismaya sa kanyang nasaksihan.
Hindi lubos inakala ni Moreno na may lubluban ng mga hayop sa pinakamatandang katayan sa buong Pilipinas.
Inamin din nito ang naging pagkukulang ng pamahalaang-lungsod sa pasilidad kayat aniya guilty sila sa kontribusyon sa polusyon sa Manila Bay.
Binanggit nito na ilan taon na nang ipagiba ng administrasyon ni dating Manila Mayor Joseph Estrada ang katayan at hinayaan na maging kalunoslunos ang kondisyon ng mga hayop pati na ang mga nagta-trabaho sa katayan.
Sinabi pa ni Moreno na magpapatayo sila ng moderno at malinis na slaughterhouse sa loob ng isang taon.
Kasabay pa nito, iprinisinta kay Moreno ang ilang kilo ng double dead o botcha na karne na nakumpiska ng Manila Police District.
Manila Mayor @IskoMoreno inamin ang kanilang pagkukulang at kontribusyon sa polusyon sa Manila Bay dahil sa mga dumi at dugo ng mga kinakatay na hayop sa Vitas Slaughter House sa Tondo. @dzIQ990 pic.twitter.com/c3DUhJs36m
— jescosioINQ (@escosio_jan) July 17, 2019