LOOK: Jane de Leon bagong ‘Darna’

May napili na ang Star Magic na gaganap bilang bagong ‘Darna’.

Sa isang panayam kinumpirma ni Olivia Lamasan na si Jane de Leon ang napiling susunod na ‘Darna’.

Isa si Jane sa mga nag-audition oara sa nasabing role.

Magugunitang nagpatawag ng audition ang Star Magic nang mag-back out sa role si Liza Soberano dahil sa injury sa kaniyang daliri.

Si Jane ay exclusive talent ng Star Magic at nakilala siya bilang si Magie sa Teleseryeng Halik kung saan gumanap siya bilang kapatid ni Jericho Rosales.

Read more...