Team leader ng LTO Regional Enforcers patay sa pananambang sa Surigao City

Nasawi ang team leader ng mga enforcer ng Land Transportation Regional Office makaraang tambangan sa Surigao City.

Naganap ang pananambang sa Barangay Ipil alas 8:10 ng umaga ng Miyerkules (July 17).

Dead on the spot ang biktimang si Felixberto Loayan habang sugatan ang dalawa pa niyang kasamahan.

Nabatid na sakay ng LTO vehicle ang tatlo patungo sa Surigao City proper nang sila ay pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga suspek.

Patuloy pa ang imbestigasyon sa insidente.

Read more...