Ang paalala ay kaugnay sa ikaapat na State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Duterte na magaganap sa Lunes, Hulyo 22.
Sinabi ni Immigration Chief Jaime Morente posibleng maharap sa deportation at exclusion ang mga banyaga na mahuhuling lumalahok sa mga political activities.
Paliwanag ng opisyal ang pagpapasok sa Pilipinas sa mga banyaga ay isang pribilehiyo lang at hindi sila nabibigyan ng political rights.
Pagdidiin nito kawalan ng respeto sa soberaniya ng Pilipinas ang pagsawsaw ng mga banyaga sa mga gawaing politikal sa bansa.
Ipinaalala pa nito ang nangyari kay Sister Patricia Fox, na napalayas ng bansa dahil sa pakikilahok sa mga political activities.