Kinondena nila ang pagpapasara ng DepEd sa mahigit 50 Lumad Schools sa Southern Mindanao.
Bitbit ang mga placard, tinangka pa ng mga raliyista mula sa grupong “Save Our School Network” na pwersahang buksan ang gate ng DepEd para makapasok sa gusali.
Pero maagap ang mga security personnel ng DepEd at agad hinarangan ang mga raliyista.
Magugunitang sinuspinde ng DepEd ang permit ng 55 eskwelahan sa Southern Mindanao.
Ito ay base sa ulat ni National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr., na ang mga estudyante sa naturang mga paaralan ay tinuturuan umano na lumaban sa gobyerno.
READ NEXT
Mga lugar na nakasailalim sa storm warning signals dahil sa bagyong Falcon nabawasan na; panibagong LPA namataan sa Ilocos
MOST READ
LATEST STORIES