Ang bagyo ay huling namataan sa layong 195 kilometers East ng Aparri, Cagayan.
Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 20 kilometers bawat oras sa direksyong north northwest.
Nabawasan na ang mga lugar na nakasailalim sa public storm warning signals.
Ayon sa PAGASA sa ngayon ang Signal Number 2 ay nakataas na lang sa Batanes.
Habang Signal Number 1 naman sa Apayao, Cagayan, Ilocos Norte at Babuyan Group of Islands.
Patuloy na pinag-iingat ng PAGASA ang mga residente sa Isabela, La Union, Zambales, Bataan, Cavite, Batangas, Occidental Mindoro, northern Palawan kabilang ang Calamian at Cuyo Islands, Aklan, at Antique dahil sa mararanasang malakas na buhos ng ulan.
Samantala, isang panibagong Low Pressure Area naman ang namataan ng PAGASA sa Ilocos.
Ang LPA ay huling namataan sa 125 kilometers West ng Sinait, Ilocos Sur.
Ang nasabing LPA ay nagpapalakas din ng epekto ng Habagat sa Luzon.