Lumagda na ang Department of Transportation (DOTr), Japan Transport Engineering Company (J-TREC) at ang Sumitomo Corporation sa P12.1-billion supply contract para sa Philippine National Railways (PNR) Tutuban-Malolos project.
Nilagdaan nina DOTr Secretary Arthur Tugade at Sumitomo Corporation Social Infrastructure Business Division General Manager Hiroshi Karashima ang kontrata para sa Package 3 ng proyekto.
Sa ilalim ng package 3 ay masisimulan ang paggawa at pag-deliver ng rolling stock para sa 37.6-kilometer mass transit project.
ang proyekto ay pinondohan ng Official Development Assistance mula sa gobyerno ng Japan sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA).
Ang elevated mass railway system ay mula sa Tutuban station sa Maynila patungong Malolos City sa Bulacan.