LOOK: Cancelled flights ngayong araw, July 17 dahil sa sama ng panahon

MIAA photo

Nadagdagdan pa ang bilang ng mga kanselado biyahe ngayong araw ng Miyerkules, July 17 dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), dahil sa tropical storm Falcon, maraming biyahe ng eroplano ang nakansela.

Kabilang sa kanselado ang mga sumusunod na flights:

Sa Terminal 3
(Cebu Pacific)
5J 196/197 Manila-Cauayan-Manila
5J 504/505 Manila- Tuguegarao-Manila
5J 506/507 Manila – Tuguegarao-Manila

Sa Terminal 4
(Skyjet)
M8 816/817 Manila-Basco-Manila

(Air Swift)
T6 114 Manila-El Nido
T6 111 El Nido-Manila

Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para maipa-rebook ang kanilang flight.

Maari ding humiling ng refund ng pamasahe kung kanilang nanaisin.

Read more...