Ayon kay RTVM executive director Demic Pabalan, ito ay dahil sa tutugtog sa SONA ng pangulo ang kilalang Philharmonic Orchestra.
Ayon kay Pabalan ang Philharmonic Orchestra ang tututog sa Pambansang Awit na Lupang Hinirang kasama ang isang singer sa House of Representatives.
Habang naghihintay sa pagdating ng pangulo sa Kamara, tutugtog muna ang Philharmonic Orchestra ng mga paboritong kanta ng pangulo gaya ng awiting “Ikaw”.
Tinatayang nasa 50 hanggang 80 ang miyembro ng Philharmonic Orchestra.
Ayon kay Pabalan, magsasagawa sila ngayong araw ng ocular inspection sa House of Representatives kasama ang Philharmonic Orchestra.
Kapag dumating na ang pangulo sa Kamara at maglalakad na patungo sa lobby at sa Presidential Liaison Office na siyang magsisilbing holding area, maririnig aniya ang awiting may titulong “Pagbabago” ni Freddie Aguilar.
Dagdag ni Pabalan, lalagyan naman ng mga palamuting bulaklak na hango sa kulay ng bandila ng Pilipinas ang bahagi ng stage habang ang rostrum naman kung saan tatayo sina Pangulong Duterte, Senate President Tito Sotto at sinumang mahahahal na Speaker of the House ay papalamutian ng tela na may touch of Mindanao.
Ayon kay Pabalan, straightforward, sinsero at diretso ang pagdidirek ni Joyce Bernal sa SONA ng pangulo.