4 na mangingisda nailigtas matapos tumaob ang sinasakyang bangka sa Negros Occidental

Nailigtas ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) ang apat na manginginsda makaraang tumaob ang sinasakyan nilang bangka sa Sipalay City, Negros Occidental.

Nakilala ang mga nailigtas na mangingisda na sina Isagani Moises, Romel Tablatin, Alan Aranez at Arnold Aranez.

Agad silang nasaklolohan ng Coast Guard at mga tauhan ng City Disaster Risk Reduction Management Office.

May mga residente kasing nakakita sa apat na mangingisda kaya nakahingi sila ng tulong.

Ayon sa mga otoridad, malakas na hangin at alon dala ng bagyong Falcon ang naging sanhi ng pagtaob ng bangka.

Read more...