P8.8M na halaga ng shabu nakumpiska sa Cebu City

Aabot sa P8.8 million na halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga otoridad sa Cebu City.

Ikinasa ang buy-bust operation ng mga tauhan ng police staiton 9 laban sa isang babaeng suspek.

Ayon kay Police Major Dindo Alaras, ang babae ay itinuro ng isang suspek nauna na nilang naaresto.

Maging ang mga kapitbahay ng suspek ay isinumbong sa pulisya ang pagkakasangkot niya sa ilegal na gawain.

Nang isagawa ang buy bust, nakumpiska sa suspek ang mahigit 1 kilo ng ilegal na droga na nakasilid sa paper bag.

Todo tanggi naman ang suspek at sinabing ang kaniyang nobyo ang may-ari ng paper bag at hindi niya alam na shabu ang laman nito.

Read more...