Orange warning nakataas pa rin sa Zambales; Yellow warning itinaas naman sa Bataan, Cavite, at Batangas

Ibinaba na ng PAGASA sa orange ang rainfall warning sa lalawigan ng Zambales.

Sa rainfall warning ng PAGASA na inilabas alas 8:00 ng umaga, may banta pa rin ng pagbaha sa Zambales dahil sa patuloy na buhos ng ulan.

Yellow warning level naman ang umiiral sa Bataan, Cavite, at Batangas.

Samantala, light to moderate rains ang aasahan sa lalawigan ng Bulacan sa susunod na tatlong oras.

Habang nakararanas na rin ng light to moderate rains ang Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Laguna, Rizal, at Quezon.

Read more...