Sa kabila ng pag-ulan, antas ng tubig sa Angat dam nabawasan pa rin
Muling nabawasan ang antas ng tubig sa Angat dam sa nakalipas na 24 na oras.
Ayon sa datos ng PAGASA Hydrology, nasa 158.38 meters ang water level ng Angat dam ngayong alas 6:00 ng umaga ng Miyerkules (July 17).
Mas mababa pa ito kumpara sa 158.69 meters kahapon.
Nabawasan din ang water level sa La Mesa dam na ngayon ay nasa 72.53 meters at ang Ipo dam na ngayon ay nasa 99,35 meters.
Nadagdagan ng bahagya ang water level ng Ambuklao habang walang pagbabago sa antas ng tubig sa San Roque dam.
Ang iba pang dam sa Luzon ay pawang nabawasan din ang water level.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.