Huling namataan ng PAGASA ang sentro ng bagyong Falcon sa coastal waters ng Aparri, Cagayan.
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 65 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 80 kilometers bawat oras.
Kumikilos ang bagyo sa direksyong West Northwest sa bilis na 35 kilometers bawat oras.
Nakataas pa rin ang public storm warning signal number 2 sa:
– Apayao
– Batanes
– Cagayan kabilang ang Babuyan Group of Islands
Signal number 1 naman ang nakataas sa:
– Ilocos Norte
– Abra
– Kalinga
– Isabela
– Mountain Province
– Ifugao
– northern portion ng Aurora
– northern portion ng Nueva Vizcaya
– northern portion ng Quirino
Ngayong araw sinabi ng PAGASA na makararanas ng moderate to heavy na pag-ulan ang:
– Ilocos Region
– Cordillera Administrative Region
– Cagayan Valley
– Central Luzon
– Cavite
– Batangas
– Occidental Mindoro
– northern Palawan
– Calamian at Cuyo Islands
– Aklan
– Antique
– Capiz
– Iloilo
– at Guimaras
Mahina hanggang sa katamtaman at kung minsan ay malakas na pag-ulan naman ang mararanasan sa:
– Metro Manila
– CALABARZON
– Bicol Region
– nalalabing bahagi ng Visayas
– at nalalabing bahagi ng MIMAROPA
Bukas (July 18) ng gabi, moderate to heavy rains ang mararanasan sa
– Ilocos Region
– Zambales
– Bataan
– Batangas
– Cavite
– at Occidental Mindoro
Habang light to moderate at kung minsan ay malakas na pag-ulan ang mararanasan sa:
– Metro Manila
– Cagayan Valley
– Cordillera Administrative Region
– nalalabing bahagi ng Central Luzon, CALABARZON at MIMAROPA
Ayon sa PAGASA maaring magdulot ng pagbaha at pagguho ng lupa ang mararanasang malakas na buhos ng ulan.
Sa Biyernes (July 19) ng umaga ay inaasahang lalabas na ng bansa ang bagyo.