Red warning itinaas ng PAGASA sa Zambales dahil sa patuloy na pag-ulan

Bunsod ng nararanasang malakas at tuluy-tuloy na malakas na buhos ng ulan, itinaas na ng PAGASA ang red warning sa lalawigan ng Zambales.

Ito ay base sa ipinalabas na heavy rainfall warning ng PAGASA alas 6:00 ng umaga ng Miyerkules, July 17.

Ayon sa PAGASA ang nararanasang tuluy-tuloy na malakas na buhos ng ulan sa Zambales ay magdudulot ng pagbaha sa mga flood-prone areas.

Orange warning naman ang nakataas sa lalawigan ng Bataan, habang yellow warning ang nakataas sa Cavite at Batangas.

Light hanggang moderate na pag-ulan naman ang nararanasan sa Metro Manila, Tarlac, Nueva Ecija, Pampanga, Bulacan, Laguna, Rizal at Quezon.

Pinapayuhan ang publiko na mag-antabay sa mga ipinapalabas na rainfall warning ng PAGASA.

Read more...