Duterte: Ugnayan ng Pilipinas sa 18 bansa na pumabor sa Iceland resolution tuloy

Walang balak si Pangulong Rodrigo Duterte na putulin ang ugnayan ng Pilipinas sa 18 bansa na sumuporta sa resolusyon ng Iceland na paimbestigahan sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) ang anti-drug war campaign sa bansa.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, sa ngayon ay nakatuon lamang ang atensyon ni Pangulong Duterte sa posibilidad na putulin ang diplomatic ties sa Iceland.

Wala rin aniya sa isip ng Pangulo ang pag-alis ng Pilipinas sa UNHRC.

Kabilang sa mga sumuporta sa resolusyon ng Iceland ang Argentina, Australia, Austria, Bahamas, Bulgaria, Croatia, Czech Republic, Denmark, Fiji, Italy, Mexico, Peru, Slovakia, Spain, Ukraine, United Kingdom at Uruguay.

 

Read more...