Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pababayaan na lamang ng Palasyo ang rebeldeng grupo dahil hindi naman na sila pinaniniwalaan ng publiko.
Isa, dalawa o tatlong porsyento na lamang aniya ng mga Filipino ang naniniwala sa CPP-NPA.
“Pabayaan mo iyong paninira nila, kasi iyong sambayanang Pilipino wala namang naniniwala. Kung may naniniwala man, siguro 1%, 2%, 3%… sila-sila lang yata rin iyon eh,” ani Panelo.
Sinabi pa ni Panelo na sa halip na pag-aksayahan ng panahon ang CPP-NPA, tututukan na lamang ng pamahalaan ang paggawa ng mabubuting bagay para sa ikagaganda ng buhay ng mga Filipino.
Dagdag ng Kalihim, hindi naman legally binding ang resolusyon ng UNHRC dahil 18 lamang sa 45 miyembrong bansa ang sumuporta sa resolusyon ng Iceland.
Malinaw aniya na hindi majority vote ang nakuha ng Iceland.