M3.0 na lindol yumanig sa Pangasinan

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang bahagi ng Pangasinan alas-2:51 Martes ng madaling araw.

Ayon sa Phivolcs, ang episentro ng lindol ay sa layong apat na kilometro Hilagang-Silangan ng bayan ng Anda.

May lalim ang pagyanig na isang kilometro at tectonic ang pinagmulan.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa Dagupan City.

Hindi naman nagdulot ng pinsala sa mga ari-arian ang pagyanig at wala ring inaasahang aftershocks.

 

Read more...