Robredo minaliit ang posibleng impeachment complaint laban sa kanya

“Hindi naman mahalaga”

Ito ang naging tugon ni Vice President Leni Robredo ukol sa posibleng paghahain ng impeachment complaint laban sa kanya.

Lumitaw ang isyu matapos suportahan ni Robredo ang resolusyon sa United Nations Human Rights Council (UNHRC) para magsagawa ng imbestigasyon sa kampanya kontra sa ilegal na droga ng administrasyong Duterte.

Sinabi kasi ni Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Manuelito Luna na posibleng ma-impeach si Robredo sa pagsuporta sa resolusyon ng Iceland.

Aniya hindi na kailangan pang magbigay ng komento sa isyu dahil hindi naman ito mahalaga.

Matatandaang inaprubahan ng UNHRC matapos sumang-ayon ang 18 bansa sa resolusyon.

 

Read more...