Pacquiao bukas sa isa pang laban bago matapos ang 2019

Bukas si Filipino boxing legend Manny Pacquiao na magkaroon ng isa pang laban bago matapos ang taong 2019.

Sa isang conference call para sa napipintong laban kontra kay undefeated Keith Thurman, sinabi ni Pacquiao na mayroong scheduled recess at ito ay depende sa pagsisimula ng session.

Posibleng makaharap ng WBA (Regular) welterweight champion sina Danny Garcia, Shawn Porter, Errol Spence Jr. at Amir Khan.

Sakaling matuloy, aabot sa tatlong boxing match ang matatapos ni Pacquiao ngayong taon.

Huli itong nagawa ni Pacquiao noong 2008 kung saan nakalaban niya sina Juan Manuel Marquez, David Diaz at Oscar De La Hoya.

 

Read more...