Batang lalaki na ‘dinukot’ sa Maynila, snatcher at hindi estudyante ayon sa pulisya

File photo

Nilinaw ng hepe ng Ermita Police Station na hindi dinukot ang batang lalaki sa bahagi ng Taft Avenue sa Maynila.

Napaulat ang pagdukot sa bata ng isang lalaking nakasakay sa Ford Ranger pick-up truck sa Taft Avenue corner Padre Faura Street bandang 9:30, Martes ng umaga.

Sa panayam ng Inquirer.net, sinabi ni Police Lt. Col. Igmedio Bernaldez na hindi dinukot ang lalaki batay sa resulta ng isinagawang hot pursuit operation ng National Bureau of Investigation (NBI).

Aniya, snatcher ang bata at hindi estudyante.

Naunang sinabi na pinuwersa umanong isakay ang lalaki sa loob ng sasakyan at saka kumaripas ng takbo sa bahagi ng Taft Avenue northbound.

 

Read more...