Maydolong, Eastern Samar niyanig ng lindol

Dec 23 Eastern SamarNiyanig ng Magnitude 3.6 na lindol ang bayan ng Maydolong sa Eastern Samar.

Naitala ang sentro ng pagyanig sa 15 kilometers south ng Maydolong kaninang alas 11:08 ng umaga.

Bagaman mababa lamang ang magnitude, naramdaman pa rin ang intensity 2 sa Tacloban City at sa Palo, Leyte.

Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 48 kilometers.

Sa abiso ng Phivolcs, walang inaasahang aftershocks o pinsala dahil sa nasabing pagyanig.

Read more...