NAPOCOR kakasuhan dahil sa pagbaha sa Bulacan

28CalumpitMagsasampa ng class suit si Bulacan Gov. Wilhelmino Sy-Alvarado laban sa National Power Corporation (NAPOCOR) at iba pang ahensyang responsable sa pagpapakawala ng tubig sa Angat Dam.

Ayon kay Alvarado, ang apat na araw na pagpapakawala ng tubig sa nasabing dam ay nagdulot ng matinding pagbaha sa pitong bayan sa Bulacan kasama na ang Calumpit at Hagonoy.

Sinabi ni Alvarado na sasampahan nila ng kaso ang National Water Resources Board (NWRB), National Irrigation Authority (NIA) at ang Manila Waterworks and Sewerage System (MWSS).

Hindi umano kasi pinakinggan ng nasabing mga ahensya ang panawagan ng pamahalaang panlalawigan na ipagpaliban muna ang pagbubukas ng floodgates sa Angat Dam hanggang sa bumaba ang tubig baha sa mga barangay sa Bulacan na mula sa Nueva Ecija at Pampanga.

Ayon sa gobernador ang ginawang pagpapakawala ng tubig sa dam ay nag-resulta sa pagbaha at nakaapekto sa 250,000 na residente ng lalawigan.

Read more...