Si Bernal ang magdi-direk sa State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Duterte sa July 22.
Ito na rin ang ikalawang pagkakataon na si Bernal ang hahawak sa directorial job sa SONA ng pangulo.
Ayon kay Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar, nais din kasi ni Bernal na malaman ang laman ng SONA ng pangulo para mapag-aralan ang anggulo ng camera.
Dagdag ng kalihim personal na sinusuri at ini-edit ni Pangulong Duterte ang laman ng kanyang SONA.
Magkakaroon din aniya ng malaking bahagi si Senador Christopher Lawrence “Bong” Go sa ginagawang paghahanda ngayon ng pangulo sa SONA lalo na’t sa mahabang panahon ay ito na ang nagsilbing private adviser ng Chief Executive.
Asahan na aniya ang pagkakaron ng malaking papel ni Go sa sona ng pangulo hanggang sa matapos ang kanyang termino sa 2022.