P1M halaga ng cocaine at ecstasy nakumpiska ng PDEA sa Taguig

Arestado ang dalawang katao sa ikinasabg buy-bust operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Taguig City.

Nakumpiska mula sa mga suspek na sina Aaron Cruz at Geraldine Vitto ang P1 milyon halaga ng ecstasy at cocaine.

Isinagawa ang buy-bust alas 5:30 ng madaling araw ng Martes, July 16.

Ayon sa PDEA, na-recover ng mga ahente ng kanilang Special Enforcement Service unit ang 84 na piraso ng ecstasy tablets, walong medium packs ng cocaine, at walong bote ng liquid ecstasy.

Mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.

Read more...