Ilang flights kanselado ngayong araw dahil sa sama ng panahon

Ilang flights ang kanselado na ngayong araw sa Ninoy Aquino International Airport dahil sa sama ng panahon.

Sa abiso ng Department of Transportation (DOTr), kanselado na ang flights 5J 321 at 322 Manila – Legaspi – Manila ng Cebu Pacific.

Una nang nagpa-abiso ang PAGASA na hindi magiging maganda ang panahon sa Bicol Region ngayong araw dahil sa Habagat at sa bagyong Falcon.

Pinayuhan ng Manila International Airport Authority ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa airline company para sa rebooking ng kanilang flight o refund ng pamasahe.

Read more...