89 patay sa sakit na dengue sa Regions VI at VIII – NDRRMC

Sa Western Visayas at Eastern Visayas pa lamang umabot na sa 89 ang nasawi ng dahil sa sakit na dengue.

Ang nasabing datos ayon sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) ay mula January 1 hanggang July 12, 2019 kung saan nakapagtala ng 15,803 na kaso ng sakit.

Sa situation report ng NDRRMC, sa Region VI, ang Iloilo province ang nakapagtala ng may pinakamataas na kaso ng dengue na umabot sa 5,327 na kaso at 20 ang nasaw, kasunod ang Negros Occidental na may 3,266 na kaso at 23 ang nasawi at ang Capiz na may 2,590 na kaso at 15 ang nasawi.

Ang iba pang lalawigan na nakapagtala ng ng mataas na kaso ng dengue ay ang sumusunod:

– Aklan (2,095 cases at 15 ang patay)
– Antique (670 cases at 5 ang patay)
– Guimaras (486 cases at 2 ang patay)
– Iloilo City (718 cases at 5 ang patay)
– Bacolod City (572 cases at 4 ang patay)

Sa Region VIII naman, ang Sta. Fe sa Leyte ang nakapagtala ng pinakamaraming kaso ng dengue na 57.

Sa datos ng Department of Health (DOH) sa buong bansa, mula January 1 hanggang June 29 umabot na sa 106,630 ang kabuuang bilang ng kaso ng dengue.

Read more...