Water level ng Angat dam nabawasan pa

Bahagya lamang na nabawasan ang water level ng Angat dam sa nakalipas na 24 na oras.

Sa monitoring ng PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong Martes (July 16), nasa 158.59 meters ang water level ng Angat.

Nabawasan lang ito ng kaunti kumpara sa 158.75 meters na water level kahapon.

Nabawasan din ng kaunti ang water level ng La Mesa dam na ngayon ay nasa 72.55 meters.

Ang Ipo dam naman ay nasa 99.36 meters ang water level ngayong araw at nabawasan din ng kaunti kumpara kahapon.

Ang lahat ng iba pang mga dam sa Luzon ay pawang nabawasan ang water level sa nakalipas na magdamag.

Read more...