Ayon sa Phivolcs, 2,412 na katao ang nasawi sa nasabing lindol at labis itong naging mapaminsala at maraming gusali ang nawasak kabilang ang Hyatt Hotel sa Baguio City.
Kasabay ng anibersaryo ng naturang malakas na lindol, inilunsad ng Phivolcs ang bagong app na Hazard Hunter PH.
Layon nitong matulungan ang publiko na maging handa hindi lang sa lindol kundi sa iba pang mga kalamidad gaya ng pagputok ng bulkan, bagyo, baha at landslides.
Sinabi ni Director Renato Solidum, Undersecretary for Disaster Risk Reduction and Climate Change ng DOST, ang HazardHunderPH ay isang one-stop online application kung saan sa pamamagitan lamang ng isang click ay makikita ng publiko ang hazard assessment sa lugar kung saan sila naninirahan.
Ang HazardHunterPH ay produkto ng GeoRiskPH, isang multi-agency initiative na pinangungunahan ng DOST-PHIVOLCS at pinondohan ng DOST.