Nasa mahigit 100 katao na ang nasawi at mahigit 4 na milyong katao ang inilikas nang dahil sa pagbaha sa Nepal, India at Bangladesh.
Ilang araw nang nakararanas ng malakas at tulluy-tuloy na pag-ulan sa nasabing mga bansa.
Ang Assam at Bihar sa India ang pinakamatinding napinsala dahil 10 araw nang dumaranas ng malakas na buhos ng ulan.
Maging ang railway lines sa Bihar at ang mga pangunahing kalsada ay lubong sa tubig baha na umaabot sa hanggang dibdib.
Mahigit 4 na milyong katao sa Assam ang kinailangang ilikas dahil sa baha.
Sa Nepal, 64 na ang nasawi at 31 pa ang nawawala dahil din sa malakas na buhos ng ulan na nagresulta sa flash flood at landslides.
Habang sa Bangladesh, nasa 190,000 na katao ang inilikas mula sa kani-kanilang mga tahanan.