PHISGOC ibabawal nang humawak ng Sea Games

Naniniwala ang Palasyo ng Malakanyang na ang bumabalot na iregularidad sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee Foundation ang naging basehan ni Pangulong Rodrigo Duterte kung kaya hindi na pinasali ang grupo sa pag-oorganisa sa Southeast Asian Games na gaganapin sa bansa sa November 30.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang gobyerno naman talaga ang dapat na humawak sa Sea Games.

Una nang nasangkot ang PHISGOC Foundation na pinamumunuan ni Taguig Rep. Alan Peter Cayetano sa iregularidad gaya ng overpriced uniform, medyas, at training gears.

Ayon kay Panelo, maaaring maglabas na rin si Pangulong Duterte ng Executive Order para maging pormal na ang designation ng Philippine Olympic Committee at Philippine Sports Commission bilang organizers ng Sea Games.

 

Read more...