Jacket at bag bawal sa mga magra-rally sa SONA

Inquirer file photo

Humiling ang National Capital Region Police Office (NCRPO) sa mga raliyista na huwag magsuot ng jacket at bag sa isasagawang protesta sa ikaapat na State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte sa July 22.

Ayon kay NCRPO director Maj. Gen. Guillermo Eleazar, ito ay bahagi ng preparasyon para maiwasan ang posibleng pagpapasabog sa kasagsagan ng SONA ng pangulo.

Mayroon kasi aniyang mga kaso kung saan bitbit ng mga terorista ang mga improvised explosive device (IED) sa loob ng kanilang jacket o bag.

Gayunman, tiniyak ng opisyal na wala silang natututukang banta sa nalalapit na SONA ng pangulo.

Itataas aniya ang full alert status ng NCRPO sa July 20 o dalawang araw bago ang SONA ng Punong Ehekutibo.

Tiniyak naman nito na handa na ang kanilang hanay para sa gagawang security measures sa nalalapit na SONA.

Read more...