Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, pinag-aralan na ni Duterte ang isyu sa South China Sea bago pa man naupong pangulo ng bansa.
Sa ngayon, sinabi ni Panelo na ang diplomatic negotiation ang nakita ni Pangulong Duterte na pinakamabisang paraan para resolbahin ang sigalot ng Pilipinas at China sa South China Sea.
Hindi na aniya mababago ang isip ng pangulo kundi ang idaan sa diplomasya ang naturang usapin.
Kabilang sa mga panukala ni Carpio ay ang pagkakaroon ng convention ang Pilipinas, Vietnam, Malaysia, Indonesia at Brunei na mayroong conflicting territorial claims sa South China Sea para ma-isolate ang China na bukod tanging disputant state sa Exclusive Economic Zone ng spratly islands.
Iginiit rin ni Carpion ang paghahain ng Pilipinas ng extended continental shelf claim sa West Philippine Sea na lampas sa 200-nautical EEZ sa dalampasigan ng Luzon, pagpapatrolya sa West Philippine Sea gamit ang damping multi role response vessel na ibinigay ng Japan at paghihikayat sa “freedom of navigation and overflight of naval powers gaya ng US, UK, France, Australia, Japan, India at Canada sa karagatang sakop ng bansa.
Kasama rin sa panukala ang pag-imbita sa Vietnam, Malaysia, Indonesia at Brunei para sa pagsasagawa ng navigation operations sa kani-kanilang EEZs at pag suporta sa private sector para sa pagpapatupad sa arbitral claims