M4.3 na lindol naitala sa Makilala, North Cotabato

Nakaranas muli ng may kalakasang aftershocks sa Makilala, North Cotabato.

Naitala ng Phivolcs ang magnitude 4.3 na lindol sa bayan ng Makilala alas 12:26 ng tanghali ng Lunes, July 16.

Ayon sa Phivolcs ang epicenter ng lindol ay sa 20 kilometers northeast ng Makilala.

Naitala ang Intensity III sa Kidapawan City bunsod ng pagyanig.

Habang Instrumental Intensity II ang naitala sa Tupi, South Cotabato at Intensity I sa Alabel, Sarangani.

Read more...