Tatlong most wanted persons arestado sa Maynila

Naaresto ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang tatlong most wanted sa lungsod kabilang ang dalawang may kasong rape.

Sa press conference sa Manila City Hall iprinisinta sa media ni Mayor Isko Moreno ang tatlong suspek.

Si Jason Fullantes, ay nadakip ng mga tauhan ng Ermita Police Station makaraan ang anim na buwang pagtatago nito.

Ayon kay Moreno, si Fullantes ay mayroong warrant of arrest para sa kasong rape na inilabas ng korte noong January 8, 2019.

Samantala, si Bob Navarro naman ay 4th most wanted ng Moriones Police Station at nadakip matapos magtago ng 11 buwan.

Kasong rape din ang kinakaharap ni Navarro.

Nadakip din ang number 8 most wanted ng Manila Police District na si Irwin Pelina na may kasong robbery with unnecessary violence.

Isang taon at apat na buwang nagtago si Pelina bago natunton ng mga otoridad.

Read more...