Water level sa Angat dam bumaba pa sa 158-meter level
Nabawasan pa sa nakalipas na 24 na oras ang water level ng Angat dam.
Alas 6:00 ng umaga ngayong araw, July 15, sinabi ng PAGASA Hydrology Division na nasa 158.75 meters n alang ang water level sa Angat.
Nabawasan pa ito kumpara sa 159.15 meters na water level nito kahapon.
Samantala, ang La Mesa dam naman ay bahagyang nadagdagan ang water level at ngayon ay nasa 72.56 meters.
Gayundin ang Ipo dam na ngayon ay nasa 99.39 meters ang antas ng tubig.
Nadagdagdan din ng kaunti ang Binga, at Caliraya, habang wala namang pagbabago sa water level ng Ambuklao.
At nabawasan naman ang water level sa San Roque, Pantabangan at Magat dams.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.