PUBLIC SERVICE: Bahagi ng Makati at Cavite mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw, July 15

Mawawalan ng suplay ng kuryente ngayong araw ang bahagi ng Makati at Cavite.

Sa Makati, sa pagitan ng alas 10:00 ng umaga at alas 4:00 ng hapon ay magkakaroon ng power service interruption sa bahagi ng Barangay Urdaneta.

Apektado ang Apartment Ridge Road hanggang sa Urdaneta Avenue.

Sa Dasmariñas City, Cavite naman, sa pagitan ng alas 10:00 ng umaga at ala 1:00 ng hapon ay mawawalan ng kuryente ang bahagi ng Barangay San Agustin II.

Maaapektuhan naman ang bahagi ng Augustine Grove SUbdivision at Augustine Grove Villas Subdivision.

Read more...