Mas maraming pasahero sa mga pantalan inaasahang dadagsa pa

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Libu-libong mga pasahero na ang dumarating sa mga pantalan sa bansa,

Sa datos ng Philippine Coast Guard, as of 6pm kagabi (December 22), umabot na sa halos 80,000 ang bilang ng mga pasaherong dumagsa sa mga pantalan sa iba’t-ibang panig ng bansa.

Inaasahan ng Coast Guard na simula mamayang hapon ay mas marami pang mga pasaherong pauwi sa mga lalawigan ang magdadatingan sa mga pantalan.

Samantala, ang mga biyahe naman ng bus sa Araneta Center Bus Terminal ay fully booked na.

Ang mga dispatcher ng mga bus na biyaheng Bicol at Visayas ay naglagay na ng karatula kung saan nakasaad na puno na ang mga biyahe hanggang December 29.

Ang iba naman, hanggang December 30 ay puno na.

Dahil dito, marami sa mga chance passenger ang nag-overnight muli sa terminal para magbaka-sakali na makasakay.

Simula bukas, December 24 ay special non-working holiday na sa buong bansa para mabigyang pagkakataon ang publiko na ipagdiwang ang pasko kasama ang kanilang mga mahal sa buhay.

Read more...