Mga tindahan ng paputok sa Bocaue, ininspeksyon

 

Inquirer.net/Ryan Leagogo

Pinaigting  na ng Philippine National Police ang kampanya kontra sa mga iligal na paputok ilang araw bago ang Pasko.

Nagsagawa na ng pag-iinspeksyon ang mga tauhan ng Firearms and Explosives Division ng PNP sa ilang mga tindahan ng paputok sa bayan ng Bocaue na kilalang lugar kung saan maraming nagbebenta ng paputok.

Philip Roncales

Sa kanilang pagbisita, nakakumpiska na ng ilang mga uri ng bawal na paputok ang puwersa ng PNP-FED.

Kabilang sa mga nakumpiska na tinaguriang  ‘banned firecrackers’ ay ‘Goodbye Philippines, Giant Pla-pla, Giant Lolo, Giant Bawang, Bin Laden, Super Lolo at Lolo Thunder’.

Sa kasalukuyan, nasa anim na insidente na ng sunog na isinisisi sa pagpapaputok ang naitala.

Samantala may dalawang kaso na ng illegal discharge of firearms kung saan may isa nang tinamaan ng ligaw na bala.

Read more...